Crypto Trading Paano Magsimula?

0
553
Crypto trading, cryptocurrency, bitcoin
Photo by Javier Esteban on Unsplash

Ano ba ang cryptocurrency?

✔️Mula sa historya ng ebolusyon ng pera ng tao, nag simula tayo sa mga pilak,ginto at iba pang metal bilang pambayad sa mga serbisyo at kalakal na gusto nating makuha. Sumunod dito ang Fiat currency o ang mga perang papel na ginagamit natin ngayon.. Pero dahil sa hassle pa rin ito kapag malakihan o maramihang transaction, hindi mo na kailangan magdala ng malalaking halaga sa iyong bag o bulsa sa kadahilanang pumasok naman ang tinatawag nating mga debit at credit cards!
Samakatuwid ang cryptocurrency ay isang paraan or pambayad sa mga transaction na hindi mo kinakailangan ng pera. (from Pinoyminds)

Paano ba kikita sa cryptocurrency trading?

✔️Bibili ka ng cryptocurrency sa mababang halaga tapos ibenta mo pag tumaas na ang presyo. “Buy low sell high”

Paano ba makabili ng cryptocurrency?

✔️Bago ka makabili kailangan mo muna ng mga sumusunod na applications

BINANCE – Crypto exchange kung saan pwede ka ring bumili ng ibat ibang cryptocurrencies. Ito yung No. 1 crypto exchange sa kasalukuyan.

Mag Register Dito – Binance.com

Coinsph – Digital wallet na available sa Pilipinas kung saan mo pwedeng iconvert yung peso mo sa cryptocurrency.

Mag Register Dito – Coins.ph

Take note: Kailangan na clear yung pagkuha mo ng picture para madaling maverified yung account mo sa Binance, Valid IDs (TIN, Passport, Drivers License, UMID)
Yung video tutorials kung paano gamitin si Binance ay nasa baba, kung meron kang di maintindihan na mga terms dito search mo nlng sa google ano yung meaning nila.

Mga paraan kung paano makapag deposit ng funds sa Binance account niyo.

  • Bumili ng XRP sa Coinsph at send sa Binance (Tutorials nasa Youtube)
  • Binance P2P Payment
  • Credit Card Deposit

Recommended na sa Binance kayo magtrade dahil sa mababang fe na 0.1% habang ang coinsph ay nasa 5%, ito yung gawin niyo para makamura kayo ng fees. Take note: Dapat may 10 usdt ka (approx 500php) na funds sa Binance wallet mo dahil ito ang minumum amount bawat trade sa Binance.

Kung di ka naman makapag verified ng account mo sa Binance pwede ka pa rin namang makapag trade and transfer ng crypto with 2BTC minimum withdrawal a day. Di pwede yung p2p o debit card cash-in sa hindi verified account so yung gagawin mo para makapagdeposit ka kung di ka pa verified mag XRP ka para less fee from coinsph to Binance at pag andoon na yung XRP mo itrade mo to USDT para yan yung gamitin mo na pagbili ng ibang crypto. Pag gusto mo namang mag cash out to Peso, convert your funds to xrp then send your xrp from Binance to coinsph at doon mo i convert to php para makapag cash out ka.

Kung nahirapan ka namang ma verifiy ang account mo sa Binance, ito yung ibang crypto exchanges kung saan pwede ka rin bumili. Pili ka lang dito.

Okex

Kucoin

Huobi

Coinbase

Cryptodotcom

Bitmart

Bybit

Gateio

MXC

Hotbit

Bittrex

Probit

Bitfinex

Dito pwede kang mag copy trading

Bityard

Etoro

Bingbon
Code: ZSUGPI

Mga Crypto Apps na makakatulong sayo (Video Tutorials na sa Youtube)

⚡Portfolio Tracker/Crypto Price Monitoring – Makakatulong ito sa pag monitor ng crypto assets mo para di kna pumasok pa ng mga exchanges sa tuwing mag update ka ng mga prices at madali na magcompute ng profits or losses mo.

Pili ka lang dito sa dalawa.
Blockfolio
Delta

⚡Crypto Calculator – makakatulong ito for conversion and computation ng profits mo. Mas maganda kung yung full version ang kunin mo P60 lang naman.
Currency Converter

Trust Wallet – Non Custodial Crypto Wallet kung saan pwede mong istore yung Crypto Mo.

Trading view – app na pwede kang mag aral ng technical analysis mo

⚡Websites kung saan makikita lahat ng Cryptocurrencies at iba pang information ng isang cryptocurrecy. Ito yung crypto directory kung gusto mong mag research sa isang crypto project.
Coingecko – https://www.coingecko.com/en
Coinmarketcap – https://coinmarketcap.com/

Ngayong may mga applications ka na at puhunan, ano na yung susunod mong gagawin?
Pag baguhan plang mas mabuti magstick na muna sa TOP 10 na Crypto.(Check niyo sa Coinmarketcap or Coingecko) Or 90% sa Top 10 tapos 10% sa ibang coins mo ilagay, diversification is the key.

Ngayon paano ka kikita or makapag buy low sell high?
Kelangan mo magkaroon ng strategy sa trading mo
Demand and supply lang yan, kapag mataas yung demand tataas din yung price. Research niyo yung mga coins na tumataas yung price at bakit tumataas yung price niya kung anong events meron (partnership, mainnet launch, airdrop, exchange listing etc.) tsaka kayo maghanap ng ibang Coins na may parehong event para makapag position (Buy) kayo ng maaga habang malayo pa yung event niya at di pa tumaas yung price.

Pero kung tumaas yung price niya na wala namang events or news umiwas kna diyan baka pump and dump lang yan. Maging updated ka sa mga news about crypto anong coins yung in-demand. Saan ka manghahagilap ng news? Sa Twitter follow mo lahat ng crypto news pages na nandito sa baba. Ganun din sa Youtube and Google. Follow mo ang mga to sa twitter or telegram page nila:

https://cointelegraph.com/
https://www.coindesk.com/
https://decrypt.co/
https://cryptonews.com/
https://coinmarketcal.com/en/
https://coindar.org/
https://kryptocal.com/

Kung gusto mo namang matutong magbasa ng Chart para may basehan ka ng entry at exit mo or gusto mong mag leverage trading, pag-aralan mo yung Technical Analysis Masterclass Lesson dito di mo naman kailangan na i master lahat, pag aralan mo lang yung mga indicators na swak sayo.

For Technical Analysis

Complete Masterclass Lesson

For Fundamental Analysis

Ito yung pina ka basic na strategy para sa mga newbies kahit di kpa masyadong marunong sa TA. For example gusto mong bumili ng Reef so saan ka magsisimulang mag research?
Punta ka sa twitter page nila, telegram, discord or kung ano pang social media sites nila and check mo ano yung mga upcoming events nila, pwede mo ring icheck sa events websites gaya ng coindar, coinmarketcal or kryptocal kung meron kang makita na upcoming events na maganda na sa tingin mo makakapag create ng demand para tumaas yung presyo kung wala move on then hanap ng ibang coins with the same strat pa rin.

Kung merong kang makitang magandang events icheck mo ngayon yung chart niya para makahanap ka ng magandang entry bago dumating yung events depende sa timeframe kung weeks or months pa yan. Paano pa makakapasok ng magandang entry sa pagbili? Sakin kasi 1 year timeframe and find the lowest possible price, mas ok yung All time low mas mababa yung risk depende kung matagal pa mga months pa bago maganap yung events. Pero pag malapit na like weeks or days nlng aralin mo yung technical analysis lessons sa pinned post di naman lahat baka ma nosebleed ka kasi baguhan kpa lang, yung para lang sa finding entry zones meron din diyan lesson kung kelan ka magbebenta kung gusto mo din aralin para may basis ka din hindi puro hula at gut feel nlng.

Take note na di 100% all the time na tataas yung price pag dumating na ang event pero mas ok na yan kesa na mag trade kang walang basehan na parang sugal na, mas maraming stratedy mas effective
Madaming kang pwedeng maging strategy sa Crypto Trading dependi nlng kung ano yung effective sa magiging trading style mo.
Huwag madamot, share mo ito or invite mo din yung mga kakilala mong interesadong matuto ng crypto trading para naman magkaroon din sila ng extrang income kahit papano.

“Give a man a fish and you feed him for a day. Teach a man to fish and you feed him for a lifetime”

Halos lahat ng kelangan mong malaman tungkol sa Crypto Trading ay nandiyan na kelangan mo nlng hasain yung Trading Skills mo through experience at yung mga terminologies na di mo maintimdihan search mo nlng sa google o youtube. Sanay makatulong ang mga ito upang maging isang magaling na trader ka balang araw at kumita din ng passive income.

Follow our Facebook Page https://www.facebook.com/cryptopcc/

Join our Facebook Group https://www.facebook.com/groups/286155669298421/

For Complete List of Crypto Terminology click here

+1
1 1 vote
Article Rating
Subscribe
Notify of
guest
0 Comments
Inline Feedbacks
View all comments